We used to love Chic-Boy since it opened recently. But after dining at the newly opened San Pedro branch, I swear that I would never eat or dine or pig out or whatsoever on this food establishment.
Ang natatanging food establishment na na-witness ko wherein lahat ng customer, nakatunganga na lang at mainit na ang ulo dahil wala na raw sila rice at nagsasaing pa. They should have foreseen that they're running out of rice para naisip nila na "mag-saing na kaya tayo kasi paubos na yung rice oh, ang dami pa namang kumakain!" But hell no! The family seated beside us even ordered rice in a nearby fastfood just to feed their hungry stomach!
Installment ang pag-serve ng order. Meaning, una iseserve ang order ng kasama mo, pag natapos na siya kumain, saka dadating main course mo. Pag naubos na rice mo, mamatay ka sa gutom at wala pang kanin dahil saka pa lang nila narealize na ubos na pala ang rice. Iced tea refill -- pag narefillan na, saka dadating ang appetizer mo. Pag nabwisit ka na sa pagkain ng appetizer mo, saka dadating ang 30 minutes ng nakatungangang dessert mo na dinaan-daanan na ng mga tao dahil hindi pa din sineserve at nasa counter lang. Ang ulam mo, papapakin mo na lang in the end at lalabas ka na sasabog sa init ng ulo dahil lahat ng crew eh tinanong ka na kung ano pa ang kulang sa order mo. Take note, lahat sila tinanong ka -- pero ni isa, wala namang nagdala at nag-serve ng kulang mo na order.
.....at kung saan ang cook eh lumalabas na ng kitchen para sigawan na ang mga crew at naglaglagan na lahat ng mga plato at utensils dahil sa nag-aaway away na sa pag-serve! In the end, siya na din ang nag-serve ng mga pagkain na malamig sa mga customer.
A very disappointed customer here. Hindi ito isang beses lang na nangyari. I gave them a second chance kaya I tried ulit the first time I experienced it. But this time, I think enough na. Puro positive feedback lang ang tinatanggap nila. Paano yung nagreklamong customer dahil may napakalaking caterpillar sa Ginisang Kangkong na order niya? Binibigyan ba nila ng atensyon at aksyon yun? Here's the link so you can guys see the complaint statement of that Chic-Boy incident by Sigrid Andrea P. Bernardo. I am no way related to the complainant, but I think, that should be given immediate attention and action. Calling BFAD!
Tsk tsk tsk. Caterpillar on your almost ubos na Ginisang Kangkong? |
Poor caterpillar. Pigang-piga ka na. |
Enough said. |